Titser genius ka kaya?
Bukod sa lesson plan may tesis pang ginagawa.
Lagari sa tahanan, kayod sa eskwela;
Wonder Woman ka ngunit wala namang laya.
Titser ito ba'y himala?
Sa kay raming campus lagi kang nakikita;
nalilibot ang u-belt sa buong umaga;
Ito'y di hiwaga nagmo-moonlight ka lang pala.
Titser, iyan nga ba'y tama?
Kakaunti ang kita at may take-home work ka pa.
Sa hirap ng buhay, ika'y part-time na tindera
ng mga PX goods, panty, bra, longganisa.
Titser gumising na tayo.
Tayo'y ginawang tagabura ng boto.
Tagabenta ng ticket, tagahalo ng kalburo,
Nagsayaw pa sa airport ng wala namang sweldo.
Titser, kumilos na tayo
Ang edukasyon ay hindi gawang biro
Huwag nang mapaloko at magsawalang-kibo
Tayo'y kalahok sa pambansang pagbabaho.
No comments:
Post a Comment