Wednesday, October 19, 2011

Sila Na. (Filipino Translation.)

Tanggapin natin. Madami akong pagkukulang. Madalas akong naiinggit sa mga bagay na wala sa akin. Upang ito'y malutas, papasok na lang ako sa aking pribadong eroplano at lumipad papalayo sa planetang ito.

Sila na!

Sila na ang pogi. Ako na ang hindi.
Sila na ang palakaibigan. Ako na ang hindi.
Sila na ang madaming pera. Ako na ang wala.
Sila na ang mahilig sa isports. Ako na ang hindi.
Sila na ang may mataas at mababang boses. Ako na ang hindi.
Sila na ang magaling magsulat. Ako na ang hindi.
Sila na ang matangkad. Ako na ang hindi.
Sila na ang payat. Ako na ang hindi.
Sila na ang may syota. Ako na ang wala.
Sila na ang nakabibili ng kahit anong gusto nila. Ako na ang hindi.
Sila na ang makagagawa ng kung anong gusto nila. Ako na ang hindi.
Sila na ang may malawak na imahinasyon. Ako na ang hindi.
Sila na ang makapupunta kung saan nila gusto. Ako na ang hindi.
Sila na ang may makinis na mukha. Ako na ang wala.

Sila na ang perpekto. Ako na ang hindi.

Ngunit sa likod ng mga pagkukulang na ito ay isang sipi mula sa isang tao. Minsang niyang nasabi na tinitignan natin ang ating pagkukulang dahil kinukumpara natin ang ating mga sarili sa ibang tao. Halata naman iyon. Subalit ako'y naniniwala na ako ay nasa tamang landas at isinilang akong ganito, madami paring pagkukulang na bago araw-araw.

Ngunit ako ay nagpapasalamat sa Panginoon sa mga bagay na meron ako na wala sa iba. Hindi ako makasarili. Yan ang paraan kung paano hinati ng Panginoon ang Kanyang mga biyaya.

___________

Yeah. This is the first Filipino post. It's actually just a translation from the past post. I believe that translating it in Filipino would make the statements more emphatic than in English. Well, so much for a start. :D

No comments:

Post a Comment