Hindi ko alam magalit sa isang tao. Hindi kasi ako palaaway. Ayaw ko ng away ehh. Kung magagalit man ako sa isang tao, huhupa at huhupa din ito agad at mawawala ang galit ko sa kanya. Ngunit meron iyong mga pagkakataong punung-puno na talaga ako sa iisang tao na kahit ano pang gawin niya ay hinding hindi ko na siya mapatatawad.
Madami na siyang nagawang kababalaghan magmula pa noon, ilang taon na ang nakalilipas. Kapag dadaan siya, iyong mararamdaman ang lakas ng hangin na tatangayin ka.
Hindi ako perpekto, ngunit alam ko ang lumugar. Hindi ako nagbago dahil sa galit ko sa kanya. Hindi ako napapatulad sa iba dahil sa galit ko sa kanya. May tamang pag-iisip naman ako upang mabatid ko ang tama mula sa mali. Ilang taon ko na siya kilala. At ilang taon ko na iniwasan ang kanyang kayabangan sa paniniwalang magagaya rin ako sa kanya. Kanino ba ako napapasunod para masabi ninyong nagagaya na ako sa ibang may galit na rin sa kanya? Hindi ko alam. Hindi ko mawari.
Kahit ano man ang gawin niyo. Kahit man sermonan ninyo ako ng sandamakmak, hinding hindi na magbabago ang paningin niya sa akin.
Ngayong nasa itaas siya, sana hindi na muli lalaki ang kanyang ulo dahil ito ay kasing-laki na ng buwan. Ayoko na.
Hindi na kailangan ng karagdagan pang paliwanag para maintindihan ang aking saloobin.
No comments:
Post a Comment